Saturday, February 10

How to Lose A Friend

Stage 1 > Befriending
In order to lose a friend, you have to gain one first. Be sure to be close to him/her. Make sure that you become really close with this person. Share some experiences in your life. Always lend an ear when he/she wants to say something.

Nadaan ko na ito. Maraming beses na. Probably ito na siguro ang pinakawalang emosyon na gawain. Kailangan mo lang talaga kausapin siya. Gain his/her trust. Ngayon, nagawa ko iyon sa isang tao. Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya at siguro malaki ang tiwala niya sa akin dati. Palagi kami nag-uusap noon. Puro kamustahan at lahat na. Ilang beses na rin akong napaiyak dahil sa sobrang kabaitan niya. Araw-araw kahit sa school, siya kausap ko. Kahit through text man lang basta makausap ko siya, kumpleto na araw ko.

Stage 2 > Say something weird that he/she won’t forget.
Now here comes the twist in your whole friendship. Once you get to the trust of each other, say something that will bother him/her for the rest of your life. Like a simple, “I love you” or “Crush kita” or anything that will really make him/her feel insecure about your friendship.

Nagawa ko na ito, matagal na in some different times. Yung first ever was noong grade 7 pa. Nangyari ulit ito recently. Hmm.. Exact date ba? February 5, 2007. I still have the text as proof. Basta ayun. Nagmukha siyang ewan. Pero kasi naman, siya yung nagbring up nung topic. Lokohan lang niyang tinanong sa akin, “Mahal mo ba ako? Aminin mo na kasi.” Ako rin naman, lokohan ko rin sinabi iyon. Tapos the rest was history na. Akala ko nga hindi ko siya napa-weird eh! Kasi parang napaamin pa siya. Pero hindi pala.

Stage 3 > Excuses
If weirding him/her out worked, then this is where the space starts. Before you know it, you will find yourself drifting apart. Get ready to feel a lot of emotions run through your body. The things that you usually do together will slowly be changed.

Ayan na. Pakaunti kaunti na siyang lumalayo sa iyo. Siya na mismong lalayo sa iyo. Gagawa siya ng excuses na hindi na kayo madalas makakatext dahil sa ganito and stuff. Mga excuses. Hindi kayo makakapagkita dahil sa ganyan ganyan. Hindi puwede and stuff. Basta marami pang iba. Mga palusot. Tapos bihira na lang kayo maging masaya magkasama. Puro away na lang siguro. Tapos kunwaring magkakabati kayo pero hindi rin pala honest ang pagkasabi ng peace na.

Stage 4 > No communication
Slowly and surely this friend will take you out of his/her life. Don’t be shocked if he/her starts to put you in stealth mode in your yahoo messenger. Then he/she deletes you from his/her friends in friendster. Then he/she stops replying to you or maybe sometimes that person replies so that you won’t find out. But sometimes, he/she stops from replying. And it with that. You have succeeded.

Ito na ang huling stage… ang pamamaalam. Ngayon, unti-unti ko nang nararanasan ito. Minsan, nahuhuli ko siyang naka-stealth mode sa akin. Tapos kapag nagtetext ako, sinasabi niyang inaantok na siya kaya hindi kami makakapag-usap. Basta pakaunti na rin iyan mangyayari. Buhay talaga. Paikot-ikot lang ang buhay kaya ngayon, nasasanay na ako sa mga stages na ito. Hindi nga lang definite kung sino ang nabibiktima sa how to lose a friend stages ko. Kaya ayon.

Iniisip ko lang ang nangyayari sa amin ngayon. Naguguluhan na ako kung totoo ang sinasabi niya na, “hindi niya ako iiwanan.” Pero bakit ko ito nararamdaman? Kasi palaging ako na lang ang gumagawa ng paraan. Tapos lahat pa ng paraan, tinatanggi niya. Kapag mag-imbita akong kumain sa labas, sinasabi niyang kailangan na niyang umuwi kaagad o di kaya ay hindi siya makaalis ng bahay. Naiintindihan ko naman ang kanyang rason pero bakit ngayon lang ito kung kailan marami na nangyari sa amin? Dati naman siya pa ang nag-aaya. Tapos kapag ako naman nagiimbita, pumapayag na lang siya.

Mas gusto ko talaga ang dati. Kung kailan sobrang magkakaibigan pa kami. Alam ko naman na hindi na talaga mangyayari ulit iyon. Hindi na kami makakapagtextan madalas dahil mataas na nga ang bill niya. Tapos hindi pa kami makapag-usap nang masinsinan sa chat dahil sa dami ng ginagawa niya. Hindi ako bitter at hindi ako nagsasabing ako na lamang. Ayokong bumalik sa away na iyon. Gusto ko lang maranasan na bigyan ako ng panahon. Kahit isang saglit lang. Parang noong huli tayong nagkita. Masayang usapan. Pampakalma lang sa akin. Isang panahon lang kung saan makapag-ayos, makapaglabas ng damdamin at lahat lahat na. Give me one chance. Pero I guess hindi na mangyayari iyon dahil unti-unti na siyang lumalayo. Kahit sinasabi niyang hindi siya lumalayo, sa akin, palayo siya nang palayo.

Pansinin mo naman ang effort na binibigay ko para maayos ang problema sa ating pagkakaibigan. Dahil sobrang nag-iba na ang pakikitungo natin sa isa’t isa. Ako na lang palaging nagtetext. Tapos minsan, hindi ka na nakakareply. Iniintay kita matapos para sabay na tayong mag-offline. Ayoko tayong mag-away tungkol dito pero sana malaman mo lang ang saloobin ko. Hindi ko kasi masabi sa iyo kasi sobrang hirap. Natatakot akong mag-away tayo at ayokong mawala ka. Ito ang side ko. Kaya kung may gusto kang sabihin kahit ano, kung away man yan, tatanggapin ko na lang. Basta ang importante lang sa akin ay nakapagsabi na ako sayo ng aking saloobin. Eh ikaw? Ano ang aksiyong iyong gagawin? Ano reaction? Nasa iyo na ang kapangyarihan. Gamitin mo nang mabuti. Kung gusto mo ako kausapin, isang IM o text lang ako.

hold me now at 3:20 PM

- the site -

my wishes

    get 3rd honors
    join ahs varsity volleyball team
    have a concert [alone or with choirmates]
    N70 phone
    ipod video
    driver's licence
    car
    meet patti taganas
    30/60GB hard drive
    flat screen LCD
    flat screen tv
    apple iBook
    go to thailand
    go to hongkong
    go to L.A.
    go to disneyworld
    go to disneyland
    havaiannas
    watch kelly clarkson concert

connections

remembered

  • July 2009
  • June 2009
  • May 2009
  • June 2007
  • May 2007
  • February 2007
  • January 2007
  • December 2006
  • November 2006
  • October 2006
  • September 2006
  • August 2006
  • July 2006
  • June 2006
  • May 2006

notices