Sunday, September 10
Jubilee Prayer
I was keeping my things during the first term when I stumbled upon the Jubilee Prayer that I made. This is the first homework for Religion at kinarir ko na talaga. This was dated last June 19, 2006. So here it goes:
Sa Inyong gabay, Panginoon, sana gamitin natin ang panahong ito para pagnilayan ang mga nakaraang taon. Sana matutuhan namin ang aming mga pagkakamali at hindi ulitin pa. Sana malaman natin na ang panahong ito ay para humingi ng paumanhin sa mga nasaktan natin at bigyan ng paumanhin sa mga taong nagkasala sa atin.
Sa Inyong gabay, Panginoon, bigyan niyo po sana kami ng maraming oportunidad upang umunlad ang ating bansa na ngayon ay nasa panahong kawit ang palakol. Tulungan niyo po ang mga nangangailangan ng atensyon kagaya ng mga dayukdok, hayok, dahop at gipit sa pampananalapi.
Ngayong taon ng Hubleyo, matuto sana kaming bumalik sa Inyo at bangkatan ang aming paniniwala sa Inyo. Lalo na sa panahon ngayon na maraming nagsusulputan na mga balita at binibigyan ng duda ang pamamalagi ni Hesus sa mundo. Matuto po sana naming talikuran ang mga ganitong sigalot sa mundo upang maging payapa na ang ating bansa.
Ang taon ng Hubleyo ay ang panahon upang magtanim ng bagong puno; magsimula muli. Ang panahong ito ay para maging sariwa, para bumalik sa dati; tahimik, disiplinado at malakas ang paniniwala sa Panginoon. Magkaisa sana ang mga barangay, nayon at bansa para manumbalik ang katiwasayan ng mundo. Itabi na ang mga espada at baril para umawit ng mga tunog ng katahimikan.
Amen.